top of page

Biyahe ng Digmaan: Pro Tips


Naranasan mo na bang makipagsapalaran sa loob ng mainit at siksikang tren? Eh yung mangamoy mandirigma at magmukhang kakaahon lang sa ilog? Tapos yung pakiramdam na parang nagawa mong mag lotion ng sangkaterbang malagkit dahil sa lagkit ng katawa mo?


Iyan madalas ang eksena sa loob ng pnr.

Bilang isang estudyante ng PUP, isa ako sa mga mandirigmang madalas sumasabak sa gyera. Lalo na sa uwian. Maririndi ka nalang sa ingay ng mga nagkukwentuhan, kung mamalasin ka pa, may makakasabay ka pang nagsasagutan. Kesyo, bawal daw magreklamo sa tren dapat daw nag taxi nalang. Mga ganun.

Kaya narito ang ilan sa mga Pro Tip dapat nyong tandaan.

Una, siguraduhing palaging may dalang pamaypay.

Bes, kung ayaw mong magmukhang naligo pagbaba ng tren, magdala ka.

Pangalawa, ang kapartner ng pamaypay, panyo/towel. Pamunas bes, sa basa mong

katawan.

Pangatlo, earphones! Kung ayaw mong maburyo sa loob ng tren at makinig sa mga chika ng mga tao.

Pang-apat, resistensya. Walang magpapaupo sayo dun bes, nakatayo ka lang. Kaya dapat palagi kang kumain ng balot. Pampalakas ng tuhod.

Panglima, ang pinakaimportante. Tiyaga bes. Makakaahon ka din mula sa nagliliyab na init ng tren.

Kaya ngayon, alam mo na? Wag sasakay sa pnr na hindi handa. Minsan masaya, pero madalas nakakapamura nalang talaga. Uy, pero higit sa lahat nakakatipid.

Follow Us
  • Black Google+ Icon
  • Black Instagram Icon
Recent Posts
bottom of page