Food Express: Saan Aabot ang Memorya Mo?
Pagkain pero ang ngalan ay hindi mo aakalaing nakakain.
Matamis pero sa unang beses mong marinig ang pangalan, ika'y mandidiri.
Masarap pero umabot na ng pang sampung beses ang iyong pag-iisip ngunit ayaw mo pa ring tikman.
Naaalala mo pa ba?
Ang unang beses mo itong makita?
Naaalala mo pa ba?
Ang unang beses mo itong matikman?
O baka wala kang naalala?
Kasi hindi ka pa nakakaranas na makakain nito.
Babaguhin ko ang tanong.
Nakakain ka na ba?
ng isang KULANGOT?
Ang weird diba? KULANGOT? Nakakain ba yun? Kadiri naman.
Pero alam ko, pamilyar ka sa pagkaing ito ngunit hindi mo nagawang tikman dahil natatakot ka sa magiging lasa o itsura nito.
Ang sabi nga nila, "Don't judge a book by its cover".
Sana hindi rin naja-judge ang pagkain dahil sa pangalan nito.
Naaalala mo pa ba?
Ang panahong namumutawi sa bibig ng iyong mga nakakasalamuha ang pagkaing ito?
"Uy! Kain tayo. Bili tayong SUNDOT KULANGOT!"
Nakakatawa diba?
"Bakit kailangan pang bilhin? Pwede ko namang sundutin yung akin? Pero ano? Kain? Kulangot? Huh?"
Noong una kong narinig ang pagkaing ito, iyon ang pumasok sa isipan ko. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko. Sa pagkakatanda ko, ako ay nasa unang baitang palang noon nung unang beses kong madiskubre ang pagkaing ito.
Masarap. Matamis.
Ito ang SUNDOT KULANGOT.
Hindi pala literal na kulangot ito. Nakakaloka diba?
Ito ang halimbawa ng sundot kulangot na natikman ko noon.
Ang Sundot Kulangot ay isang uri ng pagkain. Ito ay uri ng pangpalipas umay ng mga pilipino o kendi sa ilang bahagi ng pilipinas. Ang Sundot Kulangot ay matamis na uri ng pagkain na maaaring gawa sa katas ng niyog o bao na sinamahan ng arnibal upang ito ay maging makunat na matamis na pagkain.
Ang Sundot Kulangot ay karaniwang nakalagay sa isang maliit na lalagyanan na gawa sa piraso ng Bamboo o maaaring kawayan at gamit ang isang pinahabang maliit na kahoy ang ipang sundot upang ito ay makain.
Namimiss mo na ba? Ang isang pagkaing naging parte ng pagiging musmos mo?
Ang sarap ng kulangot hindi ba?