top of page

La Historia #1: National Shrine of our Mother of Perpetual Help


National Shrine of our Mother of Perpetual Help is commonly known as "Baclaran Church". It is located at Brgy. Baclaran in Paranaque City and a bunch of devotees goes to this church every Wednesday. Every Wednesday to them is a special day, they are calling it as "Baclaran Day".


This blog is a special one for this will be a tagalog blog.

The history of the church in Filipino.

Ang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo, na tinatawag ding Simbahan ng Redentorista, at Simbahan ng Baclaran . Ito ay nasa ilalim ng diyosesis ng Parañaque at pinangangasiwaan ng mga paring Redentorista. Ang edipisyo ng nasabing simbahan ay matatagpuan sa Roxas Boulevard, sa barangay Baclaran sa Lungsod Parañaque. Ang nasabing simbahan ang kinikilalang pinakamadalas dalawin na simbahan sa buong Asya. Nananahan dito ang imahen ng Ina ng Laging Saklolo. Itinuturing ang nasabing simbahan na "Mecca" ng mga Kristiyanong deboto sa buong mundo. Pinanininiwalaang ang pagnonobena sa mahal na Birhen ay nagreresulta ng katuparan sa mga kahilingan ng mga deboto.

Ang kauna-unahang nobena sa Dambana ng Ina ng Laging Saklolo ay naganap noong 23 Hunyo 1948 na dinaluhan ng 70 katao. Ang simbahan ay may kakayahang maglaman ng 300 katao. Ang pagdami ng dumadalo sa mga ginaganap na nobena ang nagtulak sa mga paring Redentorista na magpagawa ng mas malaking simbahan. Idineklara itong Dambana ng Ina ng laging Saklolo noong Enero 1958. Noong Disyembre ng taong ding iyon ay nakumpleto ang pagpapagawa ng simbahan. Simula noon ay nabuksan ang pinto ng simbahan at hindi na muling isinara. Tuwing araw ng Miyerkoles, daan-daang deboto ang dumadalaw dito upang lumahok sa pagdarasal ng nobena, kung kaya't ang araw na ito ay tinawag na "Araw ng Baclaran". Sa kasalukuyan, ang simbahan ito ay mayroong kakayahang maglaman ng 2 libong katao na nakaupo at 9 libong kataong nakatayo.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang dambana at ang kumbento nito ay dedikado kay St. Therese ng Lisieux. Ang yungib na bantayog sa dambana ay ang nagsisilbing pag-alala at pagtangkilik sa kanya. Dumating ang unang Redemptorist sa Pilipinas noong 1906 at nagtayo ng isang taong-bayan sa Cebu. Dumating ang mga Irlandes at Australyanong Redemptorist sa Manila noong 1900s. Naunang puntahan ng taong-bayan ng Redemptorist ang Malate Parish noong 1913, kung saan nagtayo sila ng isang maliit at tanyag na dampana sa ating Ina ng Laging Saklolo. Noong 1932, ang taong-bayan ng mga Redemptorist ay lumipat sa Baclaran.

Salungat sa isang kilalang paniniwala, ang Novena para sa Laging Saklolo ay hindi nagmula sa Baclaran. Ito ay nagmula sa Redemptorist Church of Saint Clement sa La Pas, Iloilo City na ipinagdiwang noong Mayo 6, 1946. Matapos masaksihan ang pananalangin ng mga Ilonggo sa dambana, ang Redemptoristang Irlandes na si Rev. Fr. Gerard O' Donnell, C.Ss.R. ay pinasimulan ang nobena sa Baclaran. Ang isang dalubwika na si Rev. Fr. Leo J. English, C.Ss.R ang nagsagawa ng kauna-unahang Baclaran Novena na nilahukan ng 70 katao noong Miyerkules, Hunyo 23, 1948 ang paglikha sa Miyerkules bilang "Baclaran Day".


Follow Us
  • Black Google+ Icon
  • Black Instagram Icon
Recent Posts
bottom of page